KABANATA 40: TAHIMIK kami hanggang paguwi sa penthouse. Agad ang pagasikaso ni Jacob sa kay Tatay. Pinagamit niya ang guest room para sa aking ama. Habang naliligo pa siya ay naghanda na ako ng makakain niya. Alas tres na ng hapon. Iyon ang nakalagay sa wall clock ni Jacob. Inayos ko pa tuloy ang suot na relo dahil mali ang tingin ko kanina. Kaya naman pala gutom na gutom na si Tatay dahil hapon na at maski tanghalian ay hindi pa siya kumakain. Naabutan ako ni Jacob na nagaayos ng lamesa. Simpleng fried chicken na lang ang niluto ko para mabilis lang at makakain si Tatay agad. “Iiwan ko muna kayong mag-ama dito. If you need anything, just give me a call.” Nilapag niya ang iPhone sa ibabaw ng lamesa. Pinakita niya pa sa akin kung anong pang