KABANATA 29: SPG NAGPASYA kami ni Jacob na maligo sa talon. Umalis din ang dalawang kasama namin doon. Kinuha ko ang nalaglag na bistida sa damuhan at ipinatong iyon sa swing. Bumaling ako kay Jacob na tinutulak ang balsa papunta sa tubig. Wala itong pangitaas na damit at pantalon naman ang sa ibaba. Ang malapad niyang balikat ay naghatid ng kakaibang kilig sa akin. Napalunok ako. Iniisip ko palang na bumabaon ang aking mga kuko sa kanyang balikat o di kaya sa matipuno niyang braso ay namumula-han na ako. Nakaramdam ako bigla ng init! Ipinilig ko ang ulo. Lalagnatin pa yata ako. Ano ba itong naiisip mo Lena! “Come here…” humarap siya sa akin matapos ang ginagawa. Sinenyasan niya ako na lumapit.