HINDI KO ALAM KUNG ILANG oras kaming magkatabi ni Adrian sa sofa sa opisina niya at nagpapahinga. He told me just awhile back that he needs to finish some of the paper works but he didn’t. Ilang oras na rin ang nakalipas pero hindi na siya bumalik sa office table niya para gawin ang naiwanang trabaho. Mas pinili niya na umupo dito, katabi ko kahit na wala naman kaming mahalagang napaguusapan. “I thought you have to sign some papers and business proposals?” Mayamaya lang ay tanong ko na. Kung kanina ay nakasandal ako sa dibdib niya, ngayon naman ay nakatago ang mukha niya sa leeg ko, ang kanyang dalawang kamay ay nasa bewang ko at marahan akong dinadampihan ng mga maliliit na halik sa leeg. “I prefer to stay like this with you, baby. Makakapaghintay naman ang trabaho.” “Makakapaghintay