DUMATING ANG CHRISTMAS PARTY sa DVGC. After that incident in his office, I can say that everything just went well. Hindi naman na kami ginulo pa ni Andie, pero sa tuwing nakikita ko ang mga mata niyang may luha at nagmamakaawa, nakakaramdam ako ng awa. Napangiti ako nang makita ang sarili ko sa salamin. Ang sabi sa akin ni Adrian kahapon ay susunduin niya ako at sabay kaming pupunta sa venue. “Are you girls done? Sabay sabay na tayong umalis.” nilingon namin si Kuya Thunder na iniluwa ng pinto. “Malapit na, Thunder. Si Denise na lang ang aayusan namin.” Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa harap ng salamin para paupuin doon si Denise. Si Ate Alison at Ate Karma ang nag-ayos sa amin. “Hindi ako sasabay. M-May susundo sa akin mamaya.” Mahina ang boses ko. Pero kahit gaano pa ito kahina