UMUPO AKO SA GILID NG SWIMMING POOL at ibinabad ko ang mga paa ko sa tubig. Mula sa p’westo ko ay rinig ko ang mga halakhak ng mga kapatid ko, mga asawa nila at maging si Adrian na nasa isang cottege. If I’m not mistaken, it was already past nine in the evening. Kakaunti na lang ang tao kabuuan ng lugar at wala nang naliligo sa pool. May iilan namang ilaw ang nagbibigay liwanag pero hindi pa rin ito sapat para lumiwanag ang kabuuan ng paligid. May parte pa rin ang madlim. I can hear the sound of the ocean and feel the cold-thin air on my body. “What are you doing here?” nagulat ako nang magsalita si Adrian mula sa likod ko. Lumingon naman ako at tiningala siya. He’s wearing a white sando and he matched it with a red khaki short and a white beach walk sleepers, he’s also holding a bott