Chapter Three

1194 Words
ADRIAN PULLED ME OUT OF THE VENUE as soon as Denise gets Tanner from him. Pakiramdam ko, saka lang ako bumalik sa katinuan nang maramdaman ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko. “W-Where are we going?” mahinang tanong ko. Nanghihina pa rin ako lalo na kapag naaalala ko ang ideya ng maiinit naming halikan kanina. I’ve never been this emotional in my entire existence. “We’re going to talk.” “I told you exactly that we have nothing to talk about!” Hindi niya ako pinakinggan, bagkos ay huminto siya sa likod ng naglalakihang bato at hinarap ako. “Slap me…” again, his low voice sent shivers down my spine. “W-What?” “Come on, baby. Slap me. Hit me hard. Curse me to death.” “W-Why will I do that?” “Gusto kong ilabas mo lahat ng sama ng loob mo sa akin bago kita ligawan ulit.” I sighed heavily and shook my head in disbelief. I threw him a gaze and slapped him hard. “P*tangina mo! Ang g*go mo! Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sa ‘yo!” sigaw ko habang patuloy siyang sinasampal ng malakas. My hands left some red marks on his cheeks but he didn’t move. He just stayed still and let me hit him unstoppably. Nang mapagod ay yumuko ako at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga kamay ko. Ang mahihinang hikbi mula sa akin ay hindi nakatakas. “N-naiintindihan ko naman… n-naiintindihan ko na hindi na p’wede. Naiintindihan ko na may asawa ka na. Nagmakaawa ako sa ‘yo p-pero hindi mo ‘ko pinakinggan. Noong mga panahon na nasasaktan ako, natatakot at ginugulo ng mga bangungot umaaasa ako na… na ikaw ang katabi ko at bumubulong sa akin na magiging maayos ang lahat.” Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. I don’t know why but somehow, I feel contented. I feel secured. I feel like all the doubts and pain has been set aside. “Sinusubukan kong maging maayos. Malapit na sana e, malapit na Adrian pero bakit kung kailan malapit ko nang magawa iyon ay saka ka babalik at guguluhin ako ulit?” mahina pa rin ang boses ko. Wala akong narinig na kahit ano sa kanya na para bang hinahayaan lang niya akong ilabas ang lahat ng hinanakit ko at pinapagaan niya ang pakiramdam ko. Wala na akong alam sabihin. Gusto ko mang idagdag ang nangyari noong gabing iyon ay hindi ko magawa. Hindi ko kaya. He tightened his embrace on me and he even planted a swift kiss on my temple. “I’m so sorry that you faced all those darkness parts of your life all alone, baby. But I’m here now. I know exactly that my sorry won’t change anything, not even a single fact but I want you to know that I’ll help you surpass that darkness of your life, I’ll hold your hand with every nightmares you have, change those nightmares into happy dreams, whisper to you how much I love you and this time, I will never ever let go of your hands.” Hindi na ako sumagot. Hinayaan ko na lang siya na yakapin ako dahil sa magaan na pakiramdam na ibinibigay nito sa akin. Kumawala siya sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako ng may maliit na ngiti sa kanyang labi. “Okay na ba?” hindi ako sumagot at nag-iwas na lang ako ng tingin, “Simula ngayon liligawan na kita. Pahirapan mo ako. Gawin mo lahat ng gusto mo, pero hinding hindi na kita bibitawan ulit.” “Ang daya-daya mo." mahina kong saad. Ilang sandali pa kaming nanatili roon bago niya ako hinila papalayo. Paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa kanya at nakita ko ang ngiti sa labi niya na hindi mawala. Siguro ganito talaga ang totoong pagmamahal. Iyong tipong kahit na sobra-sobrang sakit ang ibinigay sa ‘yo ng taong mahal mo ay hindi mo magawang mag-inarte sa simpleng paglalambing lang nila lalo na kung bakas naman sa kanila ang sinseridad. Love is unfair. It’s unfair to the point that most of the times, it’s becoming selfish. It’s selfish that sometimes, it’s becoming dangerous. And that’s the scariest part of love. The kind of love that’s so much dangerous to the point that you will never think of what you are going to have in return just to love that certain person in a dangerous way. Tumingin siya sa akin at ngumiti ulit pero inirapan ko lang siya. Narinig ko ang marahan niyang paghalakhak sa ginawa ko pero mas hinigpitan pa niya ang paghawak sa kanang kamay ko na parang ngayon pa lang ay ginagawa na niya ang sinabi niya. Na hindi na niya ako bibitawan. I can’t understand why in just a blink of an eye, all the pains that I have deep inside me suddenly all fades away. It makes me want to sleep just so I can see if that nightmare that I have will still haunt me. “Are you hungry?” mayamaya ay tanong niya. Marahan naman akong tumango dahil iyon ang totoo. Hinila ulit niya ako pabalik sa restaurant at pinaupo sa tabi nila Ate Karma na ngayon ay katabi si Kuya Thunder. Silang lahat ay kunot-noong nakatitig sa amin ni Adrian. “I’ll get you food, baby.” Bulong ni Adrian na hindi ko pinansin. “What was that?” tanong ni Ate Alison pagka-alis ni Adrian. “N-Nothing.” “Nothing? Eh kung maka-hawak sa kamay mo ang mokong na iyon parang hindi ko niloko noon ah?” nakasimangot naman na saad ni Kuya Thunder. “Hayaan mo na nga sila, Thunder. Matanda na sila.” Siniko naman ni Ate Karma si Thunder kaya natahimik ito. “Stormy, pahirapan mo ang mokong na ‘yon. Huwag kang bumigay agad.” Si Kuya You naman ang nagsalita. “May abs ba siya?” namula ako sa tanong ni Ate Karma. “What the actual fvck, Karma? Dalawa na ang anak natin! May balak akong gawing isang dosena ‘yan kaya huwag kang magtatanong ng ganyan o magkaka-interes man lang sa ibang lalaki!” iritadong saad ni Kuya Thunder. Humalakhak naman si Krypton at si Denise. “That means nothing, Thunder. Ang sinasabi ko lang, kaming mga babae ay weak spot namin ang abs ng mga lalaking mahal namin. Kaya kahit ibalandra mo pa sa harap ko ang milyong-milyong lalaking may abs diyan walang epekto sa akin. “Better be sure, woman.” “Pero ibang usapan na kapag si Channing Tatum, ah?” “Who the fvck was that?” sabay-sabay kaming humalakhak sa iritadong si Kuya Thunder. “Really.” Pero natamihik din agad nang magsalita si Adrian, “I guess, I need to take my shirt off more often when I’m with you. Should I start doing it now?” tanong pa niya habang inilalapag sa mesa ang pagkaing kinuha niya. Hindi ako sumagot at nag-iwas na lang ng tingin. He leaned down and whispered something on my right ear, making me shiver. “I’m just kidding, baby. But I can do it for you if you want.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD