Sa probensya... Hindi maintindihan ni Maxine ang kanyang nararamdaman. Tila may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib. Kanina habang kausap niya ang kanyang Kuya Denver hindi niya maitago ang nararamdaman dito kahit nga pilit niyang pinapasaya ang kanyang mukha napansin pa rin siya nito. Hindi niya rin maipaliwanag nitong mga nakaraang araw may bumabalot na kalungkutan sa kanyang pagkatao pero hindi niya maipaliwanag ang sanhi niyon. Basta ang alam niya, gustong gusto niya laging kausap ang kanyang Kuya. Maging ang kanyang Lola at Lolo ay nagtataka dahil sa pagiging sobrang lambing niya sa mga ito, ewan niya basta tila kinatatakutan niyang hindi makita ang mga ito. Lagi siyang kinikilabutan, nagtatayuan ang kanyang mumunting mga balahibo sa batok kapag nasa labas siya ng bah

