Napaluhang muli si Denver ng matanaw ang puting kabaong kung saan nakahimlay ang labî ni Maxine. Parang ayaw niyang bumaba sa sasakyan, kung sana masamang panaginip lang ang lahat sana gumising na siya. Ngunit hindi, natatanaw nya mismo ang ebidensya na hindi lang panaginip ang lahat. Napahagulhol ang ina ni Denver, pati ang kanyang Papa ay umiiyak na rin. Nanghihinayang ang dalawa sa pamangkin, napakasipag at masunurin itong bata. Kahit pa sabihing malayo na nila itong kamag anak hindi pa rin nila maiwasang mapamahal ito sa kanila. Sayang, kung sana hindi nangyari ang trahedyang ito at nagtapat ang dalawa sa kanila, buong puso nila itong tatanggapin. Bumaba ang mag asawa sa sasakyan. Kinuha nila ang wheelchair sa compartment at pagkuwa'y pinagtulungang buhatin ng Papa niya at ni Man
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


