Lumipas ang dalawang araw ay naging maayos ang lahat sa kanilang mag-asawa, at sa unang pagkakataon ay naranasan na na niya kung paano maging isang Ina sa kanilang anak. Sa edad na nineteen years old ay isa na siyang Ina. Natanggap na rin niya ang kaniyang anak sa puso niya, at kahit malaki pa rin ang pagtatampo niya sa asawa niya ay kinalimutan na lang niya muna. Nasaksihan naman niya ang pagiging mabuting ama ng kaniyang asawa sa kanilang anak, dahil umiiyak ang sanggol ay binubuhat nito para tumahan, dahil nga alanganin pa siya magbuhat gawa ng sobrang liit pa. Ngunit sa paglipas ng tatlong araw ay umalis na muna ng mansyon ang kaniyang asawa at sinabi nitong next week pa ang balik. Kaya naman naiwan siya sa mansyon kasama ang kaniyang anak at ng apat na mga katulong. Hindi naman si

