[Chapter 19] ILANG ORAS na magmula nang pumasok si Sonja sa lagusan, at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakabalik kaya nag-aalala na kami. Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. "Shall we follow her?" nag-aalalang tanong ni Harley habang palibot-libot sa whirlwind at nakahawak sa kaniyang ulo gamit ang dalawang kamay. "Hindi," mariing tutol ni Throne. "Hindi dapat tayo makialam. Kailangang hayaan natin siyang mailigtas ang guardian niya," dagdag nito. "Hayaan? What if mapahamak siya?" saad ni Clifford na medyo tumaas nang bahagya ang boses. "Tss. Trust her," maikling sabat ni Khyzyr na kanina pa walang imik at nakatayo lang mula sa malayo. "Yeah, that's the best thing to do, guys," pagsang-ayon ko habang nakatingin kay Khyzyr. Tinignan niya rin ako bago umismid. 'Nak ng! "H