CHAPTER 44 3RD PERSON POV BUMALIK si Cassy sa puwesto at laking gulat niyang makitang tapos na pala ang palabas pagkaupo niya. “T-tapos na?” tanong niya kay Dylan nang ituro ng kaniyang daliri ang telebisyon. “Yes.” “W-what happened?” “Namatay sila pareho.” Nanlaki mata ni Cassy nang marinig iyon. “Seriously??” Humarap si Dylan at mainam na tinitigan si Cassy. Bahagyang nilapitan niya ang mukha nito at dahan-dahang inangat ang kaniyang kamay papunta sa pisngi ng nobya. Napakurap ng mata si Cassy nang muling gawin iyon ni Dylan. Nang maramdaman ni Cassy ang palad nito sa pisngi niya ay muli nagsalita ito. “I’m serious, Cassy,” seryosong tugon nito. “O...okay,” wika ni Cassy nang ilayo ang tingin sa kaniya. Mabuti na lang medyo madilim ang paligid dahil nakapatay na ang mga ilaw k