CHAPTER 55 3RD PERSON POV HINDI mapakali si Charlene nang mabasa niya ang news article na pinost ng isang unknown journalist ang nangyari sa kanila ni Matteo. Ilang sandali pa’y biglang lumabas sa screen ng cellphone niya ang nagkalat na balita tungkol sa status nina Cassy at Dylan. “Oh no!" Napatayo siya mula sa kaniyang hinihigaan para basahin ang article. Nanlaki ang mata niya nang ibalik ang headline at basahin kung sino nag-post sa news article na ‘yon. “What the heck is going on? B-bakit nakapangalan ito sa’kin?!" Kaagad na tinawagan ni Charlene ang numero ni Cassy. Buti na lang ay mabilis na sinagot ni Cassy ang tawag niya. “Hello? I’m really sorry, Cassy. I didn’t know that—” Napahinto ng salita si Charlene nang biglag sumingit si Cassy. “I know na hindi ikaw ‘yon. Alam mo