Chapter 39

1604 Words

CHAPTER 39 3rd Person POV BINAGSAK NI Dylan ang kaniyang katawan sa sofa at biglang napaisip ng malalim nang maalala niya muli ang narinig niya mula kay Matteo sa coffee shop. “Seventeen years ago no’ng namatay si mommy. I was twelve years old too,” usal niya sa sarili nang bilang balik-tanawin ang nangyari noon. Dose anyos nang mawalan ng ina si Dylan. Akala niya magiging buo ang pamilya niya hanggang sa lumaki’t tumanda siya ngunit bigo niyang naranasan iyon. Hindi niya inakalang maaga siyang mawawalan ng ina sa murang edad. Naglakad siya sa chapel dala ang puting bulaklak habang umiiyak papuntang kabaong ng namayapang ina. Pagdating niya ay humiyaw siya nang malakas dahil sa paghihinagpis nang makitang nakaratay sa loob ang kaniyang ina. “Mommy!” sigaw niyang may halong pag-iyak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD