Hindi siya pa rin siya hinayaan ni Thrynn na kumilos agad, dahil nang sabihin niyang gusto na niyang maligo ay binuhat pa rin siya nito papasok sa loob ng bathroom. Nilagay siya nito sa bathtub at doon ay pinaliguan. Nagkulitan na silang dalawa habang pinapaliguan siya nito dahil kinikiliti siya nito habang sinasabon, kaya naman natatawa siya at napapahampas na lang sa braso nito. Habang si Felix naman ay abala muli sa pagluluto sa kusina. Kaya naman matapos niyang paliguan ni Thrynn at bihisan ay binuhat na siya nito palabas ng bedroom. The moment they stepped into the dining room, they saw Felix already setting the table, sleeves rolled up, steam rising from the dishes he prepared. Parang natakam siya bigla nang makitang umuusok na bulalo ang hinain nito. Kaya naman wala na siyang

