Nanginig na lang ang labi niya at muling humapdi ang mga mata. “S-sorry po, kuya . . . hindi ako nagagalit dahil doon,” mahina niyang sagot na may panginginig habang nakayuko at pinipigilan na lang ang mapahikbi. “Naiinis lang ako sa sarili ko kasi pinagtulungan ninyo si Thaddeus at pinalayas pa. Tapos kasalanan ko kasi ang dahilan ng lahat. Masisira ang pagkakaibigan ninyo dahil sa akin—” “Tama lang sa kaniya ang mapalayas,” he snapped. “He's a traitor, ginago niya kami. At isa ka pa, pumayag ka talagang makipagrelasyon sa kaniya kahit alam mong bawal. Anong pumasok sa kukuti mo para magpauto ka kay Thaddeus?” Napakagat na lang siya sa nanginginig na labi at tumulo na ang luha. Hanggang sa hinawakan na siya ni Theron sa braso at hinila paupo sa kama. “Kumain ka, ubusin mo lahat ng da

