MATAPOS kumanta ay dali-dali na siyang bumaba ng stage at bumalik na ng dressing room, hinubad niya agad ang kaniyang uniform at muling sinuot ang kaniyang pinaghubaran bago pumasok. Ngunit sa paglabas niya ay napasinghap na lang siya sa gulat nang bumungad sa kaniyang ang manager na nakaabang sa bungad ng pinto at nakahalukipkip pa. “Ibang klase ka rin ah, sinabihan na kitang bawal kumanta ng naka-waitress uniform, pero napakapasaway mo pa rin.” “Hehe,” ngiwi naman niyang pagtawa at Napa-peace sign na lang gamit ang dalawang daliri. “Sorry, ma'am, nakalimutan ko po kasing magbihis. Pero at least, okay naman ang pagkanta ko ’di ba? Hindi naman nagreklamo ang mga customer sa outfit ko, dahil maganda pa rin naman ang boses ko kahit naka-waitress uniform lang ako.” Isang masamang tingin n

