DINALA siya ni Felix pauwi sa mansyon nito na nasa Batangas Lipa, at doon muna siya inalagaan para maka-recover sa kaniyang panghihina. Pinatay naman ni Felix ang phone nito para hindi na muna matawagan ng mga kaibigan pansamantala. Iyon din kasi ang utos niya rito, dahil kung maaari ay ayaw muna niya ng stress. Tamang pahinga naman siya sa kuwarto nito at higa sa malambot na kama. Pero kinakain pa rin siya ng labis na lungkot sa mga nangyayari, at labis na takot sa kaniyang pagbubuntis. Hindi na niya alam kung ano na ang dapat niyang gawin ngayon. Paano na ang pag-aaral niya kung buntis siya? Balak pa naman sana niyang tumakas na lang at mamuhay nang mag-isa. Pero paano na niya magagawa ang gano'n kung buntis na siya? Hindi pa rin siya makapaniwala at hindi niya pa rin matanggap. Tal

