HINDI nakabangon si Roxy ng higaan kinabukasan dahil parang inapuyan ang kaniyang katawan sa lagnat at para siyang umiikot ang paningin niya nang subukan niyang bumangon. Alalang-alala naman sina Thrynn at Felix. Gusto siyang dalhin agad ng mga ito sa ospital pero umayaw naman siya at sinabing lagnat lang, kailangan niya lang ng pahinga. Kaya naman umalis saglit si Felix sa Isla para bumili ng mga gamot. Naiwan silang dalawa ni Thrynn na tudo asikaso sa kaniya, pero hindi pa rin nito mapigilan ang pasimple siyang sermunan. “I swear this is because of that threesome. You couldn’t handle us. Now look at you, sick because of your own fantasies.” Tiningnan naman niya ito ng masama habang nakahiga siya sa kama at nakaupo naman ito sa tabi niya, haplos-haplos ang buhok niya. “Kasalanan mo

