Napatigil si Thaddeus pero parang ayaw pa rin nito umalis sa ibabaw niya kahit narinig na ang pagkatok sa pinto. “Bunso, open the door!” boses naman ni Thrynn ang tumawag at muling kumatok nang sunod-sunod, klase ng pagkatok na napakalakas, halatang inis na. Hindi siya sumagot at nanatili lang nakahiga na parang hindi man lang nabahala, dahil naka-lock naman ang pinto, kaya alam niyang hindi agad mabubuksan ng mga ito kahit kalampagin pa ng malakas. Nag-angat na ng tingin sa kaniya si Thaddeus at nagtama na kanilang mga mata. “Isa ba sa kanilang dalawa?” tanong na nito ng seryoso. “Hindi,” irap naman niyang sagot sumisinghak-singhak pa, wala na siyang pakialam pa kahit tumulo na ang sipon niya sa kakaiyak. Thaddeus sighed. He loosened his grip on her wrists and gently wiped the tears

