DAHIL sa kanilang pagbalik sa mansyon ay napagsabihan nga si Thrynn ng mga kaibigan nito na hindi siya nito dapat tinangay na lang bigla ng wala man lang paalam. Kalmado lang nagsabi si Draven. May konting inis at pagtatampo naman kay Theron dahil hindi nakasama sa bakasyon. At may galit naman kay Thaddeus dahil hindi raw muna nagpaalam dito sa pagtangay sa kaniya papuntang bakasyon. Habang si Zayden ay napapailing na lang na parang hindi naman big deal kahit tinangay pa siya ni Thrynn ng walang paalam, basta ang mahalaga ay nag-enjoy siya at ligtas naman nakabalik. Ngayon ay nakaupo na silang lahat sa loob ng malawak na dining room at nakaharap na sa mahabang table na puno ng iba't ibang putahe ng pagkain. Nakaupo siya sa gitna nina Thrynn at Theron. Gusto pa nga sana palipatin ni Th

