NAG-SHOPPING siya kinabukasan, binili niya ulit lahat ng mga gusto niya na hindi niya kayang bilhin sa loob ng ilang taon na pamumuhay na mag-isa. Ngayon ay kaya na naman niya ulit bilhin lahat ng mga gusto niya. Nakaka-miss din pala maging maluho. Na-miss niya bigla. Kaya naman lahat ng nagustuhan ng mata niya ay binili na niya, at binayaran gamit ang card at cash na binigay sa kaniya ni Theron. Pagdating ng alas syete ng gabi ay nagbihis na siya. Sinuot niya ang bago niyang biling sexy backless dress. Matapos ayusan ang kaniyang sarili ay umalis na siya ng condo at sumakay sa red sports car na binigay sa kaniya ni Theron. May sumunod naman agad sa kaniya na isang itim na sasakyan, at sakay nito ang dalawang lalaki na magiging bodyguard niya. Hinayaan na lang niya dahil kapag sinira n

