Six years later . . . SA tahanan ng mag-aamang De Luna, umaga pa lang ay nagsisipaghanda na ang mga katulong sa gaganaping ikaanim na kaarawan at ikaanim na anibersaryo ng pagkamatay ni Jhyne. “Happy birthday, bunso,” sambit ng kambal pero laking gulat nila nang sumimangot ito. “O, bakit bunso? Hindi ka ba natutuwa na kaarawan mo ngayon?” takang tanong ni Duncan sa kapatid. “Natutuwa, Kuya,” sagot nito pero ang expression ng mukha ay nanatiling hindi maipaliwanag. “O, kung natutuwa, dapat naka-smile ka. Birthday mo pa naman,” ani Duncan. “Bakit ang dami n’yong sinasabi, Kuya? Natutuwa ako,” sabi pa ng batang si Crytal Angela. “Paanong hindi marami ang sinasabi namin, eh sabi mo natutuwa ka pero nakasimangot ka naman? What’s the problem, Crystala ng mga Angela?” nakangiting sagot ni
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books