Ten years later . . . “PAPA!” sigaw ng sampung taong gulang na si Reynold Wayne. “Dahan-dahan lang, anak. Baka madapa ka diyan,” tugon ni Clyde sa pamangkin na patakbong sumalubong sa kanya. “Ang tagal mo na kasing hindi dumalaw dito, papa, kaya miss na po kita, eh.” Napasimangot ang sampung taong gulang na bata. “Kuya naman, para kang baby kung magpakandong kay Papa. Puwedeng bumaba ka muna diyan at ako muna?” nakapamaywang na supla ng anim na taong gulang na si Rennie Grace, ang bunsong anak ng mag-asawang Pierce Wesley at Nathalie Jannelle. Napangiti si Clyde sa mga pamangkin. Kung sino pa ang babae, siya pa ang mataray at maldita, though hindi naman totally maldita dahil namana yata nito ang composure ng ina. “Papa, are you in daydreaming?” tanong muli ni RG dahil hindi niya nama