Chapter 28 Margot POV Sinalinan nya ng alak ang hawak nyang Kopeta at pagkatapos pinag laruan nya sa kanyang palad iyon ng ilang segundo. Dahan-dahan nyang sinimsim ang laman non at napa pikit sya ng maramdaman nya ang pait at tapang na nanunuot sa kanyang lalamunan. "You better stop drinking Margot, because you're drunk" rinig nyang saway sakanya ng kaibigan na si Lanie. Sinandal nya ang kanyang likod sa upuan habang hindi pinuputol ng tingin ang kanyang kaibigan. Nakatayo si Lanie sa kanyang harapan at bahid ng pag aalala ang bumahid sa mukha nito. She rolled her eyes and snorted. Here we go again. Inis na inis na syang marinig ang himutok at pangaral nito. Matagal nya na itong matalik na kaibigan pero naiinis sya sa presinsya nito sa tuwing pinapangaralan at pinipigilan sya nito s