SIDE STORY 10: Unexpected THIRD PERSON'S P.O.V "Baks, sigurado ka bang ayos ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Cory kaya ngumiti lang ako ng malungkot sa kanya. "Don't worry about me, baks. A-ayos lang ako. Isa pa gusto ko lang talagang mapag-isa, kaya kung pwede sana ikaw munang bahalang mag manage nitong bakeshop," mahinang sabi naman ni Sven. Napabuntong hininga na lang si Cory dahil sa sinabi ng kaibigan niya. Hindi rin kasi alam ni Cory kung anong nangyari dahil bumalik na lang ito sa shop na mugto ang mga mata. "S-sige, a-ako na munang bahala dito," tanging naisagot na lang ni Cory at napangiti naman ng pilit si Sven. "Salamat baks," sabi na lang ni Sven saka napayakap sa kaibigan niya at pagkatapos nun ay humiwalay rin kaagad si Sven sa kaibigan niya saka nagsimulang mag