CHAPTER 41: Investigation THIRD PERSON'S P.O.V "Sigurado ka bang gusto mong magbakasyon kasama si Alliza sa Vladislav Island?" hindi makapaniwalang tanong ni Dmitri kay Midnight. Matapos kasing sabihan ni Midnight si Dmitri na ayusin ang schedule niya para sa susunod na linggo para makapagbakasyon sila sa isla na pagmamay-ari ni Midnight ay hindi agad makapaniwala si Dmitri. "Oo, ano bang kailangan mo? Ulitin ko pa ba ang sinabi ko sa 'yo? I said I wanted to go on vacation so please prepare our private jet. Isa pa pakisabihan din ang mga tauhan natin sa isla na kailangan nilang ihanda ang penthouse, para meron kaming matutuluyan ni Alliza sa vacation trip namin," seryosong sabi naman ni Midnight. At dahil sa sinabi ni Midnight ay walang ibang nagawa si Dmitri kundi ang mapakamot na la