CHAPTER 16: Gift ALLIZA RENA'S P.O.V "By the way, let's hurry. We're going somewhere." seryosong sabi ni Sir Midnight saka ako hinawakan sa kamay ko. Nang lumabas kami ng mansyon ay nakita ko ang ibang katulong ni Sir Midnight na napatingin sa amin pero wala naman akong narinig mula sa kanila. Marahil ay natatakot ang mga itong matulad sa katulong na sinesanti kanina ni Sir Midnight. "S-sir... Kailangan ko pala munang puntahan ang nanay ko sa hospital. S-susunduin ko muna siya dahil ngayong araw kasi ang labas niya sa hospital, kung ayos lang sa inyo." seryosong sabi ko at nakita ko namang napangiti si Sir Midnight. Hindi naman siya nagsalita pa. Agad niya lang akong pinagbukas ng pintuan ng Mercedes niya. Sumakay naman agad akong sumakay sa shotgun seat. At nang makasakay naman ako a