SIDE STORY 21: Trouble CASIMIRA DAWN'S P.O.V "Doc, may naghahanap sa inyo." sabi agad sa akin ng nurse ng pagkalabas ko ng ER. Kaya naman agad akong tumango at saka nagmadaling pumunta sa nurse station at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Yosef. "Honey, what are you doing here?" I smiled at him while walking towards him. Napansin ko naman ang hawak niyang box ng cake kaya naman mas lalong lumawak ang ngiti ko. Alam na alam talaga ni Yosef kung paano ako pangingitiin. Ilang linggo na rin kasi ang nakalipas simula ng maging official ang relasyon namin at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. "Doc, kilala n'yo pala si Sir Sven?" biglang tanong ako sa akin ng nurse na kasama ko kanina sa ER kaya naman bigla akong napangisi ng malawak at saka ko kumapit sa braso ni Yose