CHAPTER 4

1590 Words
CHAPTER 4: Shocked ALLIZA RENA'S P.O.V Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang si Mr. Prince Charming pala si Mr. Midnight, at mas lalong hindi ko inaasahan na siya pala ang boss namin na matagal ko na ring hindi nakikita. "Hija, ayos ka lang ba?" nagulat ako nang marinig kong magsalita sa likuran ko si Manang Nora. Napahawak ako sa dibdib ko at saka ako napapikit ng mariin dahil kinakabahan ako na baka sumunod si Sir Midnight sa kusina. "A-ayos lang ako M-manang," mahinang sagot ko at nakita ko namang napabuntong-hininga si Manang Nora. "Hindi ka naman siguro pinagalitan ni Sir Midnight 'di ba?" "H-huh? H-hindi naman po," sabi ko naman matapos kong marinig ang sinabi ni Manang sa akin. "Ganun ba? Nakalimutan ko palang sabihin sa 'yo na inutos sa akin ni Sir Midnight na dalhan mo raw sila ng pagkain sa dining area at ang gusto niyang maghain do'n ay ikaw," utos ni Manang Nora sa akin kaya naman biglang nanlaki ang mga mata ko. Sh*t! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Paano ko haharapin si Sir Midnight? P-paano kapag sinabi niyang maging s*x slave niya ako? A-anong gagawin ko?! Huminga muna ako ng malalim saka ako hinanda ang pagkaing dadalhin ko sa dining area at matapos no'n ay saka ko iyon nilagay sa cart patungo sa dining area. Nang makarating ako do'n ay nakita kong nakaupo si Sir Midnight at seryoso itong nakatingin sa akin kaya naman iniwasan ko na magtama ang mga mata namin. Agad kong inilipat ang mga pagkain sa mesa at saka tumalikod at akmang aalis na sana pero naramdaman kong hinawakan at pinigilan niya ako sa braso, kaya naman agad akong napapikit at nagsimulang manalangin. "Where are you going?" narinig kong sabi niya, kaya naman agad akong napaharap sa kanya at nakita ko namang seryoso lang siyang nakatingin sa akin. "B-babalik na po a-ako sa tinatrabaho k-ko, sir." kinakabahang sabi ko at nagulat naman ako nang makita kong napangisi siya saka ako binitiwan sa braso. "Seat, I want to eat dinner with you." seryosong sabi niya sa akin kaya naman napalunok ako saka dahan-dahang umupo sa gilid ng mahabang lamesa malapit sa gitnang upuan niya. "I'm sorry, kung nabigla kita kanina. I'm just glad to see you again. I thought I'm never going to see you again," seryosong sabi niya sa akin kaya naman napayuko ako. Hindi ko alam kung bakit ba ako kinakabahan ngayon kahit na wala naman siyang ibang ginagawa sa akin pero kailangan ko pa rin maging maingat. Hindi ko alam kung anong pwedeng gawin sa akin ni Sir Midnight kaya hindi muna ako kikilos ng ikakasama ko. "P-pasensya na po p-pero 'di ko alam ang tinutukoy n-n'yo. N-ngayon ko lang p-po kayo nakita." nanginginig ang mga boses ko matapos kong sabihin sa kanya 'yon at narinig ko namang mahina siyang natawa saka sinumulang uminom ng wine sa wine glass na hawak niya. "Don't worry; you don't need to deny it. I know that you're surprised that after meeting at the Paradise Garden Hotel, we're going to meet again, then you found out that I'm your boss that you never see," he thoughtfully said to me. Dahil din sa pagkikita namin ay hindi ko na tuloy kung magagawa ko pang kumilos sa mansyon niya ng maluwag lalo na't ngayong alam ko na mapapadalas na rin ang pagkikita namin. Bukod pa do'n ay hindi pa rin ako sanay na makita ang gwapong mukha niya araw-araw. "By the way, don't just seat there. You can eat the food on the table you serve, dahil pinahanda ko talaga iyan para sa 'yo." nakangiting saad niya kaya naman nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang mga paningin namin. Ngayong natitigan kong mabuti ang mukha niya ay saka ko lang napansin na sobrang puti pala niya at masasabi mo na lang na maputla siya dahil parang wala siyang dugo sa katawan. "H-hindi ko po magagawang sumabay na kumain sa inyo s-sir," kinakabahang sabi ko at nagulat na lang ako nang makita kong ipagsandok niya ako ng makakain. "Eat, don't be shy. Don't worry; we're the only person here in the dining area," sabi niya sa akin kaya naman wala na rin akong nagawa. "T-thank you for the food," nahihiyang sabi ko at saka nagsimulang kumain. Habang kumakain ako ay ramdam na ramdam ko ang pagtitig niya sa akin kaya naman hindi ko magawang kumain ng kumportable sa harapan niya. "M-may dumi po ba sa m-mukha ko sir?" tanong ko sa kanya at nakita ko namang napangisi siya. "Nothing, I'm just mesmerized by your beauty," matapos niyang sabihin sa akin ay naramdaman ko na lang na nag-init ang pisngi at tenga ko dahil hindi ko rin inaasahan na sasabihin niya 'yon. Kaya naman mabilis kong tinapos ang pagkain ko saka ako tumayo at niligpit ang pinagkainan pero nagulat na lang ako nang magtawag si Sir Midnight ng ibang katulong at inutos niya pang iligpit nito ang pinagkainan namin. "Come with me," pagkasabi no'n ni Sir Midnight ay agad niya akong hinawakan sa braso ko at saka niya ako hinila papunta sa second floor ng mansyon kung saan ang kwarto niya pero imbis na sa kwarto niya kami pumasok ay pumasok kami sa kwartong katabi ng kwarto niya. Nang makapasok kami sa loob no'n ay nakita kong napakalinis ng loob no'n at black and white ang pintura ng dingding at nakita ko rin na bagong-bago pa ang mga appliances sa loob nito, kaya naman hindi ko maiwasang mamangha dahil napalaki at napakaganda ng kwartong iyon. "Do you like this?" seryosong sabi ni Sir Midnight kaya naman tumango ako habang may ngiti sa labi. "M-maganda naman 'yong kwarto sir," nakangiting sabi ko naman sa kanya. "I'm glad you like this because from now on, this room will be your bedroom," seryosong sabi niya sa akin kaya naman nalaglag ang panga ko nang marinig ko ang sinabi niya. "S-seryoso ba kayo, sir? H-hindi naman p-po ako stay-in dito sir saka hindi n'yo naman po kailangan gawin 'to," sabi ko sa kanya at nakita ko namang kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. "Why? Did I think you like this? Huwag kang mag-alala dahil ikaw lang naman ang bibigyan ko ng special treatment," seryosong sabi niya sa akin kaya naman napakagat ako sa ibabang labi ko at saka ko naikuyom ang kamao ko. "Sir, pasensya na pero hindi ko naman po kailangan ng special treatment n'yo. Isa pa wala nga po akong alam sa tinutukoy dahil ngayon ko nga lang po kayo nakita. Ginagawa n'yo ba 'to sa akin dahil may kailangan kayo sa akin?" matapang na sabi ko at nakita ko naman ang pagkabigla niya. Alam kong hindi niya inaasahan na sasabihin ko iyon sa kanya kaya naman napabuntong-hininga ako saka ako napayuko. Dahil sa ginagawa n'yang ito sa 'kin, 'di ko tuloy maiwasan makaramdam ng takot dahil hindi ko alam kung ano ba talagang tumatakbo sa isip niya. "I'm sorry, did I scare you?" sinserong tanong niya sa akin kaya naman napaiwas ako nang tingin sa kanya at narinig ko namang napahinga siya ng malalim. "If you don't like me treating you like this, I will stop, but can you promise me that you're not going to avoid me anymore?" sabi niya sa akin at naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko nang maramdaman kong hawakan niya ang kamay ko. Naramdaman ko ang malamig niyang kamay na nakahawak sa kamay ko at dahil do'n ay para akong kakapusin ng hininga dahil napansin ko rin na malapit lang siya sa akin at seryoso siyang nakatingin sa akin. "O-okay, s-sir. Excuse me," sagot ko na lang sa kanya saka ko binawi ang kamay ko saka ako lumabas ng kwarto at saka iniwan siya sa loob. Tama lang na tinanggihan ko ang pagbibigay niya sa akin ng special treatment dahil isa lang naman ako sa kasambahay niya at ayokong matuon sa akin ang atensyon ng ibang kasambahay ni Sir Midnight. Lahat kasi ng kasamahan ko dito sa mansyon na katulong ay may gusto kay Sir Midnight lalo na ang mga kasambahay na madalas na nagsisilbi sa kanya. At dahil do'n kaya iniiwasan kong mapalapit kay Sir Midnight dahil ayokong maging laman ng usapin ng mga kasambahay ni Sir Midnight dito sa mansyon niya. Sa dinami-rami kasi ng taong mamalasin bakit ako pa ang minalas? Kung alam ko lang na mangyayari ito hindi ko na lang sana pinasok ang trabahong inalok sa akin ni Oliver. Kung hindi ko sana nakasama si Sir Midnight sa Hotel at k-kung wala sanang nangyari sa amin hindi sana 'to ngayon nangyayari sa akin. Alam kong marami ng nakasama si Sir Midnight na babae dahil alam lahat ng mga kasambahay sa mansyon na gabi-gabi ay iba-iba ang babaeng nakakasama ni Sir Midnight kaya wala rin akong kaalam-alam kung bakit ganito niya ako tratuhin. Bakit ako pa? Hindi ko alam kung bakit ganun siya umakto sa akin pero hindi ba dapat ay kinalimutan niya na ang nangyari sa amin? Alam kong sanay naman siya sa tinatawag nilang one night stand kaya alam kong madali niya lang akong makakalimutan. Ano bang meron sa akin at ganun siya umakto sa akin? Hindi naman sa hindi ako kumportable pero ayokong sumama ang tingin sa akin ng mga kasama ko dahil lang palaging lumalapit sa akin si Sir Midnight. Kaya naisip ko na habang maaga pa lang ay hindi ko hahayaan na maging mas malapit pa kami sa relasyon namin ngayon dahil alam kong masasaktan lang ako kapag hinayaan kong mangyari ang gusto ni Sir Midnight. ---  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD