CHAPTER 6: Help
ALLIZA RENA'S P.O.V
Nang malaman kong umalis ng mansyon si Sir Midnight kasama ang secretary at kaibigan niyang si Dmitri ay agad din akong nagpaalam kay Manang Nora na uuwi na ako.
Matapos kasing maoperahan ni Nanay ay kailangan kong bumalik sa Life Care Community Hospital para may magbabantay sa kanya sa hospital.
At dahil dalawa na lang kami ni Nanay ay pinakiusapan ko na lang din si Angela na siya na muna ang magbantay kay Nanay kapag hindi pa ako nakakapunta sa hospital.
Mabuti na lang din at may mga empleyado si Angela sa coffee shop niya kaya naman hindi rin ako masyadong naging abala sa kanya dahil inihahabilin ko sa kanya ang nanay kong nasa hospital.
Habang naglalakad ako pauwi ay naisip ko na ring dumaan muna sa convinience store para bumili ng makakain ni Nanay sa hospital, kaya naman nang makita ko ang pinakamalapit na convenience store ay agad akong pumasok sa loob no'n.
Pagkapasok ko sa loob ay agad akong kumuha ng mga kailangan kong bilhin at saka ako naglakad para pumila sa cashier.
Napansin ko rin na may nakapilang babae sa harapan ko. Nakasuot ito ng formal dress at nakasuot din ito ng stiletto kaya naman mas tumangkad ito sa akin ng konti.
Mahaba ang buhok nitong kulay blonde at sobrang puti rin ng balat nito, bukod pa do'n ay matapang ang pabango nito kaya naman nanunuot iyon sa ilong ko.
"Sorry ma'am pero wala po talagang laman ang credit card n'yo, kanina ko pa po kasi inii-scan pero zero balance po talaga ang lumalabas," narinig kong sabi ng kahera.
"What? P-paano naman mangyayari 'yon?! I-scan mo ulit, baka may sira lang iyang computer n'yo." seryosong sabi ng babae kaya naman walang nagawa ang kahera kundi sundin ang utos ng dalaga.
"Ma'am wala po talagang lumalabas, saka hindi po sira ang computer namin dahil ini-scan ko po itong card ko at gumagana naman po sa akin," sabi naman ng kahera kaya naman nakita kong nabalisa ang babae kaya naman tumikhim ako.
"A-ako na, magkano ba ang kailangan niyang bayaran? Isama mo na itong mga bibilhin ko sa bills niya, ako na lang ang magbabayad." seryosong sabi ko naman saka inilapag ang pinamili ko sa cashier counter.
Agad namang ini-scan ng kahera ang mga pinamili ko at kasama na rin ang mga pinamili niya. Agad kong inilabas ang wallet ko saka ako nagbayad at matapos no'n ay iniabot naman ng kahera ang plastic bag ng mga pinamili ng babae.
Agad naman akong naglakad palabas ng convenience store at hindi pa ako nakakalayo ng maramdaman kong may humawak sa braso ko at nang lingunin ko kung sino ang humawak sa akin ay nakita ko ang babae na sumunod sa akin.
"E-excuse me but can you give me your number?" nakangiting tanong niya sa akin kaya naman napanganga ako sa sinabi niya.
"P-para saan?" takang tanong ko naman at nakita ko namang binitiwan niya ang braso ko saka niya inabot sa akin ang phone niya.
Alam kong yayamanin ang babae dahil sa itsura palang ng pananamit nito pero hindi ko inaasahan na sobrang yaman pala talaga nito dahil nakita kong VS Phone ang tatak ng cellphone niya o kilala sa brand name na Vladislav Smart Phone.
Kilala kasi ang Vladislav Smart Company dahil sa mga mamahalin at hi-tech na gadgets nila na halos lahat ng mga mayayaman ay gumagamit nito.
Kahit gusto ko pang bumili ng phone na katulad ng sa babae ay hindi ko magawa dahil ang pinakamurang VS phone ay nagkakahalaga nang fifty thousand.
Which is hindi ko ma-afford bilhin dahil sa mahal. Kaya imbis na bumili ng mamahaling cellphone ay nagtitiyaga na lang ako sa mumurahin dahil kailangan kong magtipid para sa hospital bills ni nanay.
"Please give me your phone number. I will pay you back and treat you next time. I'm sorry for the inconvenience. I thought my brother was kidding me when he told me that he's going to cut off my bank account." seryosong sabi niya sa akin, kaya naman wala akong nagawa kundi ang i-type sa phone niya ang phone number ko.
"Wala 'yon. Hindi naman malaki ang ginastos ko sa mga pinamili mo isa pa alam ko naman na kailangan mo ng tulong kaya tinulungan lang kita." nakangiting sabi ko naman at nakita ko namang natigilan siya sa sinabi ko.
"Oh my god! You're so kind, and I hope we can go out next time. I will surely treat you lunch in the better place next time." nakangiting sabi niya kaya naman napangiti ako.
"Sure, text mo lang ako kung kelan." ngiting sabi ko naman sa kanya.
"By the way, I still haven't introduced myself. My name is Drusilla, how about your name?" nakangiting saad naman niya kaya naman natikhim ako bago sumagot.
"Alliza Rena is my name. Pwede mo akong tawagin sa kahit anong pangalan ko." nakangiting sagot ko naman at nakita ko namang tumango siya.
"Oh my god, thank you so much! See you later then, I have to go now." paalam niya naman sa akin kaya naman kumaway lang ako sa kanya.
"Bye, ingat!" nakangiting paalam ko naman sa kanya. Kumaway naman siya pabalik sa akin bago siya sumakay sa sasakyan niya at saka nagmaneho.
Pagkatapos no'n ay nagmamadali naman akong naglakad papunta sa hospital at dahil hindi naman malayo ang convenience store sa Life Care Community Hospital ay nakarating naman ako kaagad.
Agad akong pumasok sa hospital at saka pumunta sa ward ni nanay, at nang makapasok ako sa loob ay nakita ko si Angela at Nanay na nag-uusap.
"Oh, Alliza nandito ka na pala!" nakangiting bati naman sa akin ni Angela saka tumayo at saka kinuha sa akin ang supot na hawak ko.
"Pasensya na natagalan akong makabalik dito, a-ano kasi natagalan umalis iyong boss ko kaya hindi rin ako nakapagpaalam kaagad sa mayordoma namin. Siya nga pala dumaan ako sa convinience store kanina nandiyan na rin lahat ng kailangan ni Nanay." nakangiting sabi ko naman kay Angela na tinapik lang ako sa balikat ko.
"A-anak, k-kumusta ka?" nakangiting sabi naman ni Nanay na halatang nanghihina pa dahil mukhang kagigising lang.
"Nay, ayos naman po ako. Huwag kayong mag-alala, pinapangako kong mula sa araw na 'to hindi ko na po pababayaan ang kalusugan n'yo. Tayong dalawa na lang Nay kaya hindi ko kayo pababayaan. Huwag n'yo ako masyadong alalahanin dahil ayos lang po ako basta ayos lang din kayo," nakangiting sabi ko kay Nanay saka ko hinawakan ang kamay niya.
"S-salamat a-anak, n-napakaswerte k-ko dahil may a-anak akong k-kasing buti mo," sabi ni Nanay kaya naman hindi ko napigilan ang pangingilid ng luha ko.
Inayos ko ang buhok ni Nanay saka ko siya hinalikan sa noo niya at matapos no'n ay matamis ko siyang nginitian.
"Mahal na mahal ko kayo Nay, palagi n'yo iyong tatandaan," sabi ko naman at nakita ko namang marahang tumango sa akin si Nanay.
Agad akong naglakad palapit kay Angela at nakita ko namang napangiti siya sa akin saka ako inakbayan.
"Sabi ko naman sa 'yo huwag ka masyadong nag-iisip ng kung anu-ano eh, nandito naman ako at handa kitang tulungan sa kahit anong bagay dahil bestfriend kita." nakangiting sabi naman ni Angela kaya naman mahina akong natawa.
"Ikaw talaga Angela, bagay talaga sayo 'yang pangalan mo kasi para ka na ring anghel sa buhay ko." nakangising sabi ko naman kay Angela at nakita ko namang natatawa siyang napailing.
"Ano ka ba, sinabi ko naman sayo na sayo lang ako ganito kabait pero pag sa ibang tao lumalabas ang sungay ko," natatawang sabi niya sa akin kaya naman napangisi rin ako.
"Oo na, pero kung wala ka sa tabi ko siguro hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kaya salamat talaga at naging kaibigan kita kasi kahit na may kailangan kang asikasuhin inuuna mo pa rin ako kapag kailangan kita," seryosong sabi ko naman sa kanya at nakita ko namang napatitig siya sa akin.
"Ewan ko ba, ang dami-dami mo naman kasing manliligaw dati pero wala ka man lang sinagot, ayaw mo talagang lubayan ang pagiging NBSB mo kung may boyfriend ka kasi ngayon dalawa sana kami ang tumutulong sayo," seryosong sabi naman ni Angela kaya naman napabaling ako nang tingin sa kanya.
"Hindi naman importante para sa akin ang love life. Ang mahalaga lang para sa akin ngayon ay gumaling si nanay, isa pa paano mo naman masasabing maaasahan ko ang lalaking magiging nobyo ko? Hindi naman lahat ng lalaki mapagkakatiwalaan," seryosong sagot ko naman at nakita ko namang napairap sa akin si Angela.
"Girl, twentieth-century na! Isa pa twenty-eight years old ka na pero wala ka pa ring experience, paano kung tumanda kang dalaga niyan?" pangaral sa 'kin ni Angela kaya naman napahinga ako ng malalim.
"Sa ating dalawa Angela ikaw ang malapit ng mawala sa kalendaryo kaya sarili mo dapat ang pinoproblema mo," natatawang sabi ko at nakita ko namang lumukot ang mukha niya.
"Aba! Atleast ako sinusubukan kong makipag-date para makahanap ng aasawahin, eh ikaw? Kelan mo balak makipag-date sa mga lalaki? Huwag mo sabihin sa akin na kaya hindi ka nakikipagkita sa mga lalaki dahil type mo ko?" nakangising sabi niya kaya naman nanlaki ang mga mata ko.
"Angela?! Sira ka ba?" hindi makapaniwalang sabi ko at narinig ko namang natawa siya sa sagot ko.
"Joke lang! Ito naman hindi mabiro! Sinabi ko naman sayo 'di ba? Kahit straight ka pa o hindi tanggap kita bilang bestfriend mo, kaya huwag ka masyadong mabahala," sabi naman ni Angela kaya naman napahinga ulit ako ng malalim.
"Alam ko, pero kapag may natitipuhan naman ako sasabihin ko naman sayo. Alam mo naman palagi kapag may nagiging crush ako 'di ba?" seryosong sabi ko kay Angela at nakita ko namang napatango siya.
"Sa bagay! Oh siya, kailangan ko munang umalis dahil may kailangan akong asikasuhin sa coffee shop babalik na lang ako mamayang madaling araw pag kailangan mo nang umuwi," paalam sa akin ni Angela.
"Sige, mag-iingat ka sa pag-alis mo." ngiting paalam ko naman kay Angela bago siya nagpaalam kay Nanay at tuluyang lumabas ng ward.
---