SIDE STORY 14: Desperation THIRD PERSON'S P.O.V Habang naghihintay si Sven makalipas ang ilang oras matapos nilang mag-usap kanina ni Caleb ay nakita ni Sven si Casimira na nakatayo sa pintuan ng bakeshop habang nakatingin sa kanya. Naramdaman naman ni Sven na lumapit sa kanya si Cory at saka ito may sinabi sa kanya. "Oh. Andiyan si Ms. Beautiful, baks! Ayos lang ba na humarap ka ngayon sa kanya? Gusto mo ba na ako na lang muna ang humarap sa kanya?" nag-aalalang tanong ni Cory kay Sven. At dahil walang kaide-ideya si Casimira kung anong pinag-uusapan ng dalawa ay naglakad na lang ito papuntang sa counter para makausap si Sven. "Baks, ayos lang ako. Ako na ang kakausap sa kanya," sagot naman ni Sven kay Cory kaya naman tumango na lang si Cory saka nagpatuloy sa ginagawa nitong pag-aay