CHAPTER 9: Indistinct ALLIZA RENA'S P.O.V Matapos ang pag-uusap namin ni Sir Midnight sa kwarto ay binuhat niya ako papuntang dining area namin at nakita ko naman na may mga nakahanda ng pagkain sa lamesa. Umupo ako sa tabi niya at nagsimula naman siyang ipagsandok ako ng makakain. Napansin ko rin na puro mamahaling pagkain ang in-order niya kaya naman napalabi ako. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni Sir Midnight at kung bakit ganito na lang niya ako tratuhin kahit pa na isang beses niya pa lang naman ako nakikita at sa mansyon pa niya. Wala rin akong ideya kung paano niya nalaman na ako yung babaeng may mask na kasama niya sa Paradise Garden Hotel ng gabing iyon pero hindi ako kumportable na nalaman niyang ako ang babaeng iyon. Hindi ko alam kung ginagawa niya ba ito sa a