Layla POV Pagkatapos nang madamdaming tagpo. Nauwi din sa pag-aayos ng mga gamit. Nakapagluto na rin nang pagkain sa dami nang inutusan ni Arwel na magluto ng pagkain. Nagmumukhang piesta sa bahay. Si Arvel naman ay abala sa paglalaro sa labas. Si Levi naman ay nakikipag video call. Hindi ko alam kung sino ang kausap niya. Mukhang tuwang-tuwa ang kapatid ko sa kausap niya. Abala ako sa paghuhugas ng plato. Napaigtad ako nang may humawak sa aking bewang. Hindi ko inaasahang si Arwel pala. Abala kasi ito makipag-inuman sa labas. Niyaya siya ng mga kapitbahay. Sa simpleng pag-uwi namin sa probinsya ay naranasan kong maging masaya at walang iniisip na iba. Ipinatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat. "Hindi mo naman na kailangan gawin 'yan. May iba ng gagawa niyan." bulong niy