Layla P.O.V Maaga akong nagising. Isang linggo kasing mawawala si Arwel. Ihahatid ko siya sa airport. Ngayon pa lamg ma mimiss ko na siya. Kung puwede nga lang sabihing 'wag na siyang tumuloy, kaso hindi puwede. Negosyo 'yon kaya kailangan magtiis. Naramdaman ko na lang ang kaniyang mga braso sa aking balikat. Niyakap niya na pala ako. "Anong iniisip mo?" nakangiting sabi niya. Dala niya ang maliit na maleta. "Puwede ba akong sumama?" loko ko lang. Baka sakaling tumalab. Tinitigan niya naman ako bago bumuga ng hininga. "Kung puwede nga lang kitang isama bakit hindi." Kinurot pa niya ang aking ilong. "Kung isasama kita, baka hindi na ako makapag ayos pa ng negosyo. Baka ikaw na ang trabahuin ko," loko pa niya Nag pout ako. 'Yong pa cute. Kinabigla ko ang pagdampi niya ng h