Christian Hiro POV... Nandito na kami sa labas ng palasyo at mukhang alam nila na darating kami. Napangiti siya saakin. "Oh, nandito na pala ang traidor kong kaibigan. Eren." Sabi ni Zardo. "Ikaw ang traidor saating dalawa Zardo. Akin na si Miles!" Sigaw ko. "Mamamatay muna ako bago mo siya makuha!" Sigaw niya. Bigla siyang ngumisi na may ibig sabihin ang ngiting iyon. "Alam mo... nagalaw ko na siya." Sabi niya. Nanlaki ang mata ko hindi pwede! Napatakbo ako sa kanya at sinuntok ko siya sa mukha. "King Eren!" Sabay sigaw nila Mary Jade sa likod ko. "Walang hiya ka!" Sigaw ko. Nagpalabas siya ng kidlat sa kamay niya mabuti napailag ako. Pero di ko napansin ang ikawalang atake niya. Kaya bumagsak ako sa sahig. "King Eren!" Sigaw nila. Tumayo ako at hinarap ulit siya. Magbabayad siy