Earth... Angelie Princess POV... Balik ulit sa pangalang Angelie Princess!! Nandito ako ngayon sa earth papasok na ako ng school. Excited ulit akong makita ang dati kong school. Papasok ako ngayon sa gate ng school at napatingin ang mga estudyante sa kotse ko. Mukhang hinihintay nilang bumaba ang nakasakay doon. Pagkababa ko... Nagulat sila ng makita ako. Ang huli kong naalala sa school na ito ay si Eren nung sinabi niya na di na ako magpapakita sa kanya. Pero kalimutan na yun. 'Si Angelie ba yan?' 'Akala natin pumanaw na siya. Buhay pala siya.' 'Oo nga.' Rinig kong sabi nila. Di ko nalang sila pinansin at umalis nako papuntang deans office. Kumatok ako dun at may nagsabing pumasok ako. Nakita ko si Mel na busy sa gawaing papeles. Mukhang wala siyang oras para tingnan ako. Nagc