Angelie Princess/Miles POV... Ang sarap ng tulog ko may kayakap akong unan ngayon ang tigas ha pero mabango. Nag imagine ako na si Hiro yun. Niyakap ko ito ng mahigpit. Nabigla ako ng niyakap ako ng unan ko. Napamulat ako at nakita ko ang napakagwapong lalaki ng buhay ko. "Good Morning, Miles Mahal." Sabi niya at hinawakan ang mukha ko. "Eh? A-anong ginagawa mo dito?!" Panik kong sabi. Napangiti siya at niyakap ako ng mahigpit. "Di mo ba napansin boung gabi tayong magkatabi?" Sabi niya. Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. "What?!" Bigla kong sabi. "Okey lang naman dahil mag asawa tayo." Sabi niya. Kahit na! "Di tayo mag asawa noh! Yung dating Miles ang asawa mo at ako reincarnation lang ako at ako si Angeli...." nanlaki ang mata ko dahil hinalikan niya ako sa labi. "I will marry yo