Chapter 14: He's missing Jaymie. "Anong gagawin natin sa kanila?" Tanong ni Maine nang makabawi sa pagkagulat. "Kailangan natin itong i-report kay Tito Patrick. Sila ang dapat gumawa ng paraan." Saad naman ni Julia. Nanatili akong nakatingin sa mga katawan na tila wala ng buhay. Mga hayop 'yung mga gunggong na 'yon! Bakit nila ito nagawa sa mga inosenteng mamamayan ng lugar na ito?! "Ano? Kailangan pa ba nating bumalik sa akademya para sabihin kay Tito Patrick na totoo ang mga hinala niya?" Hence asked. "No. Kapag iniwan natin ang mga 'to dito, mahihirapan na tayong makapasok ulit baka pupuntahan ito ng mga kalaban at balikan tayo. Mahirap na." Sabi ulit ni Maine. "So, you mean, kailangang may maiwan?" Curious na tanong ni Julia. "Kung babalik ang ilan sa atin sa akademya, mat