"Hi, cute!" Hindi ko napigilang mapangiti nang makita ko si Jett na nakasandal sa pader ng classroom namin. Huminto ako sa harapan niya. "Bakit ka nandito? Malapit na ang klase mo." Itinaas niya ang isang kamay. Nakita ko doon ang isang maliit na eco bag. Malamang, pagkain ang laman nun. "Ano na naman 'yan?" tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat muna si Jett, bago ako sinagot. "Ikaw. Kung gusto mo kainin mo na ngayon, o kaya mamayang recess mo. Idamay mo na rin si Hya. Good for two naman 'yang binili ko." Kinuha ko mula sa kamay niya ang hawak niyang eco bag, at saka sinilip ang laman nun.Mga pastry breads galing sa isang sikat na bake shop, saka tatlong tetra box ng chocolate drink. Napangiti ako, kasi may nakita akong maliit na note sa loob nun. Mamaya ko na lang siguro babasa