["Boss A! Salamat naman at sinagot mo na rin ang tawag ko!"] Pansin ko ang tila paghingal sa boses ni Jen. Nasa conference ako nitong huling tatlong araw. Nakikita ko ang tawag niya, pero may usapan kami ni Jen. "Jen! I told you, tatawagan mo lang ako kapag emergency." ["Boss, sobrang emergency nito. Wala na si Sir Arnulfo. Inatake uli siya kagabi. Hindi na siya naka-survive. Uuwi ka ba, boss?"] Nahigit ko ang aking hininga. Kaya ba siya tinawagan ng ama nung nakaraang linggo? Nararamdaman ba nito na mawawala na siya sa mundo? ["Boss? Hello? Boss. Okay ka lang ba diyan? "] "O-Okay lang ako, Jen." Hindi ko namalayang tumultuous na ang mga luha ko. Hindi man ako lumaki at close kay Arnulfo Ybañez, pero iyong huling pag-uusap namin ay ramdam na ramdam ko ang pagiging ama niya sa akin