Mula noong gabing iyon na nahuli ako ni Jett na nakatitig sa kanya ay dumistansiya ako nang kaunti sa kanya. Hindi ko siya kinakausap kung hindi talaga kailangan, at kung wala akong ibang mauutusan. Hangga't maaari ay inuutos ko na lang sa iba ang task na dapat ay kay Jett. Tutal naman, busy din naman siya sa pag-estima kay Pamela. Si Pamela na halos araw-araw yata ay nandito sa Strategies. Unlike before, bihira lang siyang nadadalaw dito sa opisina. Pero in fairness naman kay Pamela, malaki naman ang naitutulong niya sa preparation para sa Lingap at Pag-ibig campaign ni Department of Tourism. Hindi naman siya totally pa-impress lang kay Jett. Actually, nasa final stages na naman ang preparation namin. Siguro, within this week, tapos na ang draft, at final na final na ang presentation