“Yup!” narinig kong sabi ni Jett na naglalakad din sa tabi ko, “bakit? haven't you ever tried before riding a hot air balloon?” Lumipad ang tingin ko kay Jett na nakatingin din pala sa akin habang naglalakad kami. “Sasakay? Diyan? Eh, lobo lang 'yan. Higanteng lobo, to be exact.” “Yes, sasakay tato riyan sa higanteng kobo na 'yan.” Bigla akong huminto sa paglalakad, kaya huminto rin si Jett. “Ayoko!” tigas ng tanggi ko. Ngumiti si Jett, “wala nang atrasan, boss." Masama kong tiningnan nsi Jett. "Bakit parang may balak kang murder-in ako?" Bahagyang tumawa si Jett, "bakit ko naman gagawin sa 'yo iyon, boss? Just trust me with this one.” Humalukipkip ako, “iyan nga ang problema. Wala na nga kasi akong trust sa ‘yo.” Nagkamot ng ulo niya si Jett. “Okay," bumuntonghininga siya,