Dumerecho na kami ni Jett sa hospital na tinext ni Jen. Hindi ko na nagawang magpalit ng shorts. Ni hindi na nga yata namin nagawang ligpitin ang hindi naubos na pagkain sa condo niya. Nasa elevator na kami nang mapansin kong nakatingin si Jett sa harapan ng blouse ko. Nilingon ko siya, “bakit?” Umiling siya, “nothing. I’m just checking,” sagot niya, at saka inginuso ang harapan ng blousse ko. Sinundan ko ng tingin ang inginunguso niya. Bumagsak ang mga mata ko sa mga butones ng blouse ko. Oo nga pala, nakabukas ang lahat ng ito kanina, bago tumawag si Jen. Napa-check rin ako bigla kung naibutones ko ba lahat. Baka mamaya sa pagmamadali namin kanina ni Jett ay meron akong hindi naibutones. Pasimple akong nagpasalamat nang ma-check kong nakabutones naman lahat. Ding! “Tara