“Thanks, Tita,” nilingon ko si Tito Chad, “Tito. Pasensiya na po sa abala.” Nakababa na ako ng sasakyan nila, at nakatayo sa labas nito. “No worries. Basta para kay Jett.” Binalingan siya ni Tita Pepper at saka hinampas sa braso, “Chad! Ano ka ba? Niloloko mo na naman si Athena…” Muli akong binalingan ni Tita Pepper, “pagpasensiyahan mo na itong asawa ko, baliw lang talaga ‘yan.” Ngumiti ako sa kanya, at sasagot sana ako nang sumingit si Tito Chad. “Baliw talaga ako sa ‘yo, babe.” Nanlaki ang mga mata ni Tita Pepper na kasalukuyang nakaharap sa akin. Nilingon niya si Tito Chad na bahagyang tumatawa. “Umayos ka nga! Nakakahiya kay Athena.” “HIndi natin alam, babe… baka mas baliw pa sa akin si Jett.” Somehow, may naramdaman akong inggit dahil sa nakikita ko sa kanilang ka-sweet-an