Nakita ko naman agad ang sinasabi ni Jett na CR. Hindi naman ako nagtagal doon at bumalik na rin agad dito sa venue. Nadatnan kong naglalaro na sila ng parlor games, at ang mga manlalaro ay ang mga pares na mag-asawang Madrigal, Montenegro, Zuniga at Samaniego. Habang si Zaekah at si Ace na nakababatang kapatid ni Hyacinth ang game masters. Mukhang kakasimula lang ng laro, pero masyado na silang hooked na hooked na lahat sa laro. Manonood muna siguro ako sandali, tapos ay magpapaalam na akong babalik na sa kuwarto ko. Hindi naman ako naa-out of place sa kanilang lahat dahil nakakasama ko naman na sila dati sa mga ganitong okasyon. Dati 'yun. And in the first place, hindi na ako dapat sumasama sa mga ganitong salu-salo nila dahil wala naman na akong koneksiyon sa kanila maliban sa pagigin