Naramdaman ko ang isang kamay ni Jett sa bewang ko. Humaplo-haplos iyon doon, sabay pumipisil. Ang isang kamay naman niyang kanina pa nakaabay sa akin ay nandoon pa rin, pero ginamit niya iyon para lalo akong iusod palapit sa kanya. Mas pinalalim pa ni Jett ang halik niya, at buong puso ko namang sinagot. Hindi ko napigilang mapaungol. Mas lalo pang napakapit ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Alam kong mali ito, pero hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko. Hanggang sa naramdaman ko ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko na unti-unting umaakyat papunta sa ilalim ng isang dibdib ko. Bahagya akong napaigtad nang dumampi ang bahagi ng kamay niya sa pisngi ng dibdib ko, na para bang sinusubukan ni Jett ang magiging reaksiyon ko. Nagulat ako sa ginawa niya, pero hindi ko naman iyon ki