Jett calling… Nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag niya o hindi. Pero sa huli, sinagot ko na rin iyon. ["Hi, cute!"] Iyan ang bungad agad ni Jett pagkasagot ko ng tawag niya, kahit hindi pa naman ako nagsasalita. "Drop that cute thing!" Iyon ang pet name niya sa akin noon. Tinawanan lang niya ako. Pang-asar talaga! "Ano ba kasi'ng kailangan mo? Uuwi na ako." ["Sungit naman talaga... pero baka kapag sinabi ko sa iyo kung bakit ako tumawag, maging sweet ka na sa akin..."] "In your dreams!" ["Cute, alam kong kailangan mo ng videos and pictures ng F1 racing…”] Sinasabi ko na nga ba! “Oo. Meron ka?” [“Yyyyupp!”] “Okay, send it to my email. Thanks.” [“Ooops! Not that fast, cute…”] “Ano?” [“Siyempre, dapat ex-deal tayo para win-win situation tayo.”] Nanggigil a