“Ay, Trish! Mukhang dumating na ang mga Lolo Steve mo,” biglang sabi ng lola ni Trish, habang nakatingin sa bagong dating na sasakyan sa labas ng bakuran nila. Binalingan ako ng lola ni Trish, “Mam, pasensiya ka na, ha… sasalubungin ko lang ang kapatid ko,” nakangiti niyang sabi. “Okay lang po. Wala pong problema.” Pagkasabi ko nun ay binalingan niya ang mga kasamahan ni Trish, “oy, kayo na munang bahala dito sa boss n’yo, ha… pakainin n’yo na muna. Herbert. Babalik ako. Kakaunin ko lang iyong Kuya ko sa labas, at matampuhin ito kapag hindi agad pinapansin.” “Ay, Lola Nitang… kami na pong bahala dito kay boss namin. Don’t worry,” sagot naman ni Herbert. Umalis na si Trish at ang lola niya at naiwan ako doon na nakatayo. “Mam, upo po kayo,” narinig kong sabi ni Manolo, kaya naman wal