“Hindi tayo pwedeng pumalpak. Or kung meron man, minor lang. Iyong pwede nating gamutin agad. Ayaw ko ng major kapalpakan. Or much better, wala talaga tayong palpak sa araw na ‘yun. Nagkakaintindihan ba tayo, team?” “Yes, Mam.” “Yes, boss A.” “Noted, boss.” Huminga ako nang malalim. Preparation pa lang para sa formal launch, pero hindi na ako mapakali. Ano pa kaya sa mismong araw ng launching? “Iyong bandang magpe-perform? Nag-finalize na ba sa ‘yo, Herbert?” “Yes, boss A,” binuksan niya ang notebook na nasa harapan niya, “done deal na po iyon ni bossing Jett before pa siya mawala. Ang usapan ay limang set ng kanta. Approved na rin kay ABY ang budget. Actually, nagbigay na ako ng downpayment sa manager Six Senses. Sa mismong araw na lang ng event ang full payment natin sa kanila.”