CHAPTER 13 DAHLIA’S POV DAGLI akong pumasok ng building nang sundan ko si Valentino. Buti na lang hindi pa ako late at naabutan ko pa siya kaya agad ko siyang binati. “Good morning po, Valent—” Natigilan ako nang maramdaman ko bigla ang malambot niyang kamay nang hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako dito sa ginawa niya at mas lalo pa niyang hinigpitan ‘yon at hinila ako papunta sa kaniya. “Dumikit ka sa’kin. Dumikit ka,” utos niya habang malayo ang tingin niya sa akin kaya binaling ko ang paningin ko dito at laking gulat nang matantuang papalapit na si Don Mariano kasama ang ilan sa mga bodyguards nito at isang assistant. Ngiting pilit ang ginawa kong pagbati kay Don Mariano nang makasalubong namin siya. “Good morning po, Don Mariano.” “Good morning, dad.” Masayang tumango